| |
nasa SM North Edsa ako kahapon at walang pasok sa Ateneo. dumaan ako sa NBS at nakita ko yung stage sa foodcourt sa baba. uy. may choral competetion sponsored by STI College. contest piece daw ay "Payapang Daigdig" dahil yun daw yung hiling nila ngayong Pasko. pero naisip ko, pde naman magcompose ah? tapos naisip ko yung Paskorus sa Pisay. argh. namiss ko tuloy yun. dito sa Ateneo walang ganun eh. tapos biro ni sir Vlad eh ang contest piece sa Paskorus this year eh yung Paskorito ng Muon 05? totoo ba? balita naman dyan.
ang Paskorito sa Pisay minsan palpak, minsan sablay at nakalulumbay ngunit sa lahat ng pagsubok hinahanap, hinahanap
ang Paskorito sa pisay isang saglit na lumilipas sa ating buhay kayat problema mo limutin na makisaya, makikanta Paskorito... sa Pisay
argh sorry kung mali yung lyrics. guys penge namang lyrics nyan oh, dati kabisado ko yan dahil LSS ako buong christmas break, haha :D
God bless sa Paskorus Finals ngayon! - tag:pisay
- ugali:muon 05
 - kanta:ang paskorito sa pisay
| | |
|
para sa panig ni Dr. Miranda :D
Good Morning! Sometime in the past few weeks, specifically on October 19, 20 and 27, the PSHS Main Campus community saw some faculty members and staff picketing at noontime with placards expressing their dissatisfaction over NCE Travel Guidelines.
For the information of the entire PSHS community, I wish to put on record that on October 17, before the pickets took place, I offered to meet with Mrs. Anna Oblepias, who had written me about her own complaint related to the NCE Travel. She declined the invitation. Two days later, the picket was held.
On October 24, at this Flag Ceremony, Dr. Jessamyn Yazon appealed to students to be discerning; to take a critical view; and to hear both sides of the issues raised in the picket. Mrs. Oblepias took the stage and challenged me to take part in a dialogue before the entire PSHS Main Campus community, including you students.
This challenge, I most respectfully decline. Here are my 3 reasons.
FIRST AND FOREMOST, that is not the proper forum to express these grievances. The issues are best dealt with by the adults directly concerned -- management and PSHS personnel. Students should not be dragged into this.
SECOND, complaints about policies should first be brought to the undersigned, as Executive Director. This is the logical thing to do. If these cannot be resolved, they can be brought to the Board of Trustees, the highest governing authority in the PSHS -- but NOT at once to the community, media or public, as this short-cuts due process and reduces the exercise to mere trial by publicity.
THIRD, even if I was to participate in such a dialogue, emotions on the issue still run high. Take, for instance: carrying placards with derogatory messages, making a statement by dressing in black, and wearing arm bands with slogans. These actions would seem to compromise a calm, objective, rational discourse, at the expense of discovering the truth. Everyone would then end up the loser.
However, since these matters have been so forcefully brought to your attention, I offer to inform the PSHS community of the outcome of discussions between management, concerned PSHS personnel and the Employees Union.
I appeal to all you of good faith to keep sober and calm, and to concentrate on our main task of studying and learning while these issues are being sorted out.
Thank you.
Ramon R. Miranda Executive Director, PSHS System" - tag:pisay
- ugali:makinig
 - kanta:stop look and LISTEN
| | |
|
sorry rey!
tama ka. una kong gagawin ay magsorry. magsosorry ako hindi dahil sa inaamin ko na nagkamali ako dahil nilagay ko ang mga ideas na iyon sa blog. nagsosorry ako ngayon dahil nasaktan kita dahil sa entry na iyon. ramdam ko yung damdam mo sa unang comment mo sa post na iyon. sorry kung ngayon lang 'to dahil kababalik ko lang galing sa one week na camp. habang nasa camp ako, hindi ko iniisip na ganito na pala ang mangyayari sa blog na ito. pero kung ano pa man. SORRY uli. Gago kung gago sa pananaw mo. pero SORRY.
"kaibigan kita" thanks pare sa pagturing sa akin bilang kaibigan :D
para sa iba.
inilagay ko naman na "may narinig akong reactions dito. eto ang mga iyon" so ibig sabihin, not necessarily na all those ideas ay galing sa akin. hindi naman siguro bawal sa blog na maglagay ng ideas ng iba di ba? siguro yung mali ko eh hindi ko nilagyan ng "" at (source) yung entry kasi 5.0 yung grade parang STR ni Yazon, hehe :D pero ayos lang na sabihin nyo na mali or tama ang mga ideas na nasa blog kasi kaya nga "comment" yung nakalagay kasi galing sa inyo yun, comment nyo iyon, karapatan ninyo iyon.
kung mayroon pa akong ibang nasaktan eh SORRY uli. - tag:pisay
- ugali:sorry rey
 - kanta:patawad
| | |
|
wala pa akong karagdagang balita kay Palpatine pero may narinig na naman akong kuwento sa Pisay.
student: maam ayaw po namin kunin yung DOST test teacher: bakit naman? student: kasi wala naman po kaming balak magscience or engineering na course
anak ng pating. may mga narinig akong reactions dito. eto ang mga iyon.
1. sayang na sayang ang slot sa Pisay! kung wala ka namang balak sumunod sa ipinag-uutos ng Pisay tulad ng pagkuha ng science and engineering courses e di sana di ka na lang sana pumasok sa Pisay! sayang! e di sana kung hindi ikaw yung nandyan e di mayroong isang taga-province or taga-public school na sana ay nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral ng libre at may kalidad na edukasyon, na may balak naman kumuha ng science or engineering course.
2. bakit ba pumapasok sa pisay? a. para makapag-aral ng libre b. para matuto ng science and engineering lessons c. para may ipagmamalaki yari tayo sa c! yung iba papasok sa pisay para lang may ipagmamalaki. sasabihin "sus, Pisay ako eh". ano ba naman yan? hindi ka ba nanghihinayang sa mga buwis ng taong-bayan? ginasta sa iyo para lang may ipagmamayabang ka? tapos wala ka naman balak tugunan ang pangangailanagn ng bansa? i mean specifically sa science and engineering fields? kung kaya mong magexcell sa ibang field e di sana di ka na lang nagPisay!
3. bakit hindi science and engineering courses? una siguro dahil hindi naman talaga nila kaya ang mga ganung courses. alibi lamang nila na wala silang balak magscience or engineering courses para lang mapagtakpan ang kahinaan nila sa field na iyon. mabuti kung sila yung top 1 sa batch tapos sabihin nila, kayang-kaya ko naman talaga yung mga courses kaso iba lang talaga ang calling ko eh, halimbawa kung sobrang lupet mo sa music, ayos lang, bastat hindi ikaw yung BABAGSAK-BAGSAK sa batch nyo!
4. naroroon na eh, nakapasok na, nasa Pisay na, 4th year na, so ano dapat gawin? haay, sana man lang kaunting RESPETO! kunin nyo na lang yung DOST test, whether kunin nyo or hindi eh magtest kayo! actually ang number 1 reason para itake yan eh kasi pangguage yan ng talino or kalidad ng batch ng Pisay na magtetest (parang UPCAT). kung mataas pa ba ang karunungan ng mga Iskolar ng Bayan. feel ko takot lang kayo bumagsak eh.
sabi nga ng isang teacher, GRATITUDE and ATTITUDE ang kailangan ng bawat Pisay student. sana sa bawat enrollment na lang every year eh may seminar kung saan nagpapaalala ng mga tungkulin ng isang batang Pisay. kasi sa 4th year lang nagawa yun eh, sa LEADS kung saan nabibigyan-diin ang bagay na iyon.
oh well, mawawala ako ng isang linggo kaya heto na lang muna ang masasabi ko. 22-28 kasi nasa isang Camp ako.
Godbless! - tag:pisay
- ugali:Go Pisay!
 - kanta:hoy, Pisay ako, buo aking loob, may talino ang utak ko...
| | |
|
sir jogon.. nagpicket? bumalik ang pusong aktibista? kasama sina mrs. bawagan, mam gicaraya, mam bernal, mam andaya, ginang aguila, mam sanchez, (at shempre si sir vlad, duh?) at marami pang iba. may mga hawak silang plakard.
"RRM sinungaling"!
"JUSTICE or JUST TIIS?
"Lead by Example!"
"Ikaw kaya ang magMRT?"
pero ang tanong... bakit?
ito ang mga ilang issues na kinakaharap ngayon ni Palpatine:
1."kinaltasan ang mga pamasahe ng mga teachers na proctors sa magpapaexam", lumalabas na teachers dapat ang magbayad sa pamsahe papuntang airport o bus stations at pauwi, at ginawa ng walang consultaion two weeks before the exam, hiningan sya ng paliwanag pero hindi nagpakita...
2.hindi hinaharap ni Palpatine ang mga tauhan nya. madalas wala sa opisina. kung nasa opisina, hindi pwede kausapin sa umaga. sa hapon by appointment. shempre, hindi nakararating sa kanya ang mga hinaing at dulong ng mga tao. so hindi nya pinakikinggan ang kanilang mga hinaing. by appointment lang kung wala syang sumpong.
3.hindi ganun kataas ang tingin nya sa kanyang mga katrabaho. ang tingin nya sa maraming teacher ng Pisay ay mukhang pera. bakit daw nagrereklamo sa kaunting bawas na allowance. nasaaan na raw ang "sense of service" (hello? mukhang pera? marami sa Pisay teachers ang maaaring nasa ibang bansa ngayon! nagpapakayaman! pero nasan sila? nasa Pisay. nagbabalik-loob? tapos yan ba ang walang sense of service?)
4. mahigpit magpatupad ng AUSTERITY MEASURE at the expense of teachers and staff sa halip na ibigay ang MC(magna carta sa teachers which is additonal financial benefits) galing sa savings, pinambili nya ng refrigerators. (hello? hindi lahat maykaya sa pisay, lalo na sa admin, Php 6000 a month lang ang suweldo, hindi lahat ay katulad nya na hindi nangangailanan ng pera)
5. yung iba technical! mahirap iexplain dito sa blog. may kinalaman sa career teacher path. promotions. etc.
6. eto nakatatawa, pdeng favor sa students at hindi rin. tanggaling ang CALCULUS sa 4th year! (duh, kung ganun, tayo lang ang SCIENCE SCHOOL na walang calculus)
yung iba next time na :D
pero bakit tinagurian syang PALPATINE
1. kamukha nya kasi
2. parehas ng tactics... kinukuha ang loob ng mga studyante para kumampi sa kanya, siya raw ay PRO-STUDENT!
mga pre... hindi lang pangulo ng bansa natin ang kumakaharap ngayon sa krisis. Pisay din. huwag magwalang bahala. minsan din tayo naging students ng paaralang ito.
Ano ang dapat gawin?
makibalita! may balak maglabas ng isyung pisay sa mga alumni egroups. baka lumabas din sa newspapers or media kasi nagcover ang destiny cable. guys, kung mag"picket" sa pisay ang mga alumni, tawagan nyo agad ako. handa akong manindigan para sa aking mahal na paaralan...
"HINIHILING NAMIN NA TANGGALIN AT PALITAN SI DR. MIRANDA. ANG ISA PANG TERMINO NYA AY ISA NA RING PAGKITIL SA BUHAY NG PISAY"
- PSHSEU - tag:pisay
- ugali:may picket sa pisay?
 - kanta:tama na, sobra na, itigil na!
| | |
|
| |