Home
Mga Kalatas
messages
kamakailan lamang 
14th-Nov-2005 12:00 am - Pinoy Ako!
napaisip ako. bakit ang mga Pinoy eh sobrang galing at madaling matuto ng iba't-ibang languages. sobrang yung mga OFWs natin sa ibang bansa, sobrang daling matuto at maging fluent sa mga banyagang wika. sa pagsasalita ng English eh mas matino tayo compare sa ibang bansa sa Asia. sorry na lang sa mga Koreans o Japanese kasi mas matino tayo magsalita nun kaya Call Center Agent ang isang patok na trabaho dito sa ating bansa.

pero bakit nga ba?

una. dahil ba siguro 3 dayuhan na ang sumakop sa atin at tatlong lenguahe rin ang ating natutuhan? tipong nasanay na tayo sa pabago-bagong mga lenguahe?

o dahil ba sa likas na talaga sa mga Pinoy ang pagkakaroon ng sobrang lambot na dila. i mean, na kayang makapagsalita ng iba't-iba. kasi kung susuriin eh maraming diyalekto sa ating bansa! mapunta ka lang sa kabilang bundok ng probinsya eh iba na ang paraan o punto ng pagsasalita.

pero kahit anuman ang maging dahilan nito. masaya pa rin ako dahil madali tayong matuto ng ibang wika. pero hindi ko binababa ang sariling wika natin ah. mahal ko ang Tagalog. pero nakatutuwang isipin lang talaga na kayang makipag-usap ng mga Pinoy sa abroad ng matino sa mga tao roon. siguro para na rin ito sa mga OFWs natin na hindi mahihirapang magtrabaho sa ibang bansa dahil alam na kung paano magsalita ng dayuhang wika.

PERO HIGIT SA LAHAT. gusto kong isipin na sa ating pinakamamahal na bansa, sa perlas ng Silanganan, magmumula ang mga Misyonaryo na magbabahagi ng Salita ng Diyos hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo. mas madali nang makihalubilo ang mga Misyonaryo sa mga pupuntahan nila kasi madali silang matututong magsalita at makipag-usap sa mga tao roon.

isipin nyo to. tayo lang sa buong Asia ang Christianity ang Major Religion (whether Roman Catholic o Born Again Christian). Nagpapasalamat pa rin naman ako kahit kaunti dahil nasakop tayo ng EspaƱa kasi kung hindi Muslim country pa rin tayo. Kahit na ginamit nila ang relihiyon para mang-abuso ng mga Pilipino. Pasalamat pa rin ako sa Amerikano kasi dinala nila ang Bible at makabagong paniniwala sa Diyos tulad ng Protestants. Pasalamat pa rin ako at nagkaroon ng Martial Law dahil dumami ang naging mga Born Again Christian at nagsulputan ang iba't-ibang churches na halos magkaubusan na ng pangalang gagamitin.

ewan ko. pero sa nakikita kong takbo ng storya ng Pilipinas? sa atin talaga magmumula ang mga Misyonaryo na pupunta sa Asya. haay.

kahit malala na ang bansa natin eh I still believe that our God, who is the author of the story of our contry still has plan, a wonderful plan for us... just PUSH guys. PUSH.
P-ray
U-ntil
S-omething
H-appens

join me in praying for our country every Saturday 9 pm. :D

Godbless the Philippines...
gradpic
This page was loaded Dec 20th 2009, 3:38 pm GMT.