hindi naman dahil sa binababa ko ang aking sarili. ngunit kailangan lang talagang tanggapin at sabihin. mahirap lang kami. sa totoo lang by faith ang lahat na pumapasok na salapi sa aming tahanan. teacher ang mom ko sa public school at pastor naman si papa. lahat ng pera ay bunga ng matiyagang pagdadasal. kaya nga ako ngayon nag-aaral ng husto eh. may plano rin naman kasi ako (sana God's will din) na yumaman at umangat ang estado ng aming pamilya.
last sembreak nawala yung cellphone ko. di ko naman magawang palitan kasi wala pa akong pera. ngunit dumating ang second sem. pinilit kong magtipid at huwag bumili ng mga librong kailangan sa klase. hanggat maaari eh nanghihiram ako ng libro sa mga nakagamit na. ganito ang aking ginanagawa upang mapunta sa akin ang Php 2000 na book allowance ko. eto yung pangdadagdag ko sana sa pagbili ng bagong cellphone.
nagtingin-tingin ako sa Cyberzone sa SM. ayos na sa akin ang kahit na anong cellphone bastat huwag namang NOKIA 5110 kasi kapag dumaan ako sa Recto at makuha yang cellphone na yan eh mabukulan pa ako dahil ibabato pabalik ng snatcher sa akin dahil sa sobrang luma nyan. nagustuhan ko yung model na 2300. ang hanap ko lang naman eh simple na merong maraming folders like sent items at personal folder kung saan mo maaring ilipat ang mga personal messages mo. kahit walang camera ayos na sa akin. actually gusto ko ngang magkaroon ng camera phone kapag may trabaho na ako kasi super dali na lang yun. :D
so yung 2300 ata eh Php 3900? so short pa ako. pde ako magtipid pa hanggang 2500 as of december. pero short pa rin. unti-unti na akong nanlumo. wala namang maibigay na pera sina mama at papa kasi dumadaan kasi kami sa krisis ngayon. kapapasok lang uli ni ate sa call center kasi nasisante sya dati at di nakuha yung salary at commission nya. actually nanghiram pa nga sina mama ata papa ng Php 2500 nung isang araw kasi may emergency na paggagamitan. so bali todo tipid ako sa allowance na binigay ng ADMU.
tapos kagabi nung matutulog na ako eh bigalang kinailangan ng Php 1000 ni mama, so naisip ko argh, kung ibibigay ko yung Php 1000 muna sa kanya eh malabong makabili pa ako ng cellphone this december. kasi ang expected time na balik ng perang iyon ay january pa (earliest). ayoko namng irisk yung natitirang allowance ko for the rest of the sem kasi hindi pa naman natatapos yung sem at baka magipit ako kahit na sabihin kong todo tipid ang gagawin ko. ika nga ng matatanda eh "huwag magbilang ng itlog habang di pa nanganganak ang inahin". so baka sa dulo eh bigla kong pagsisihan ang aking pagkakamali.
so yun. nung inabot ko na yung pera sabay hinga na lang ako ng malalim. bye cellphone for this december. actually kasi kailangan ko na talaga sya eh. hindi naman dahil sa lahat ng nasa Ateneo eh may phone kundi sa kailangan ko lang talaga sya. tipong maraming nagtetext sa akin dapat tungkol sa iba't-ibang bagay like IVCF, AJMA ME people, churchmates at iba pa. pero mukhang hindi pa talaga pwede eh. argh, ang hirap naman talaga.
kaya ngayon iniisip ko talaga na dapat galingan ko sa pag-aaral. hindi maaring mawala scholarship ko sa Ateneo. hindi maaaring hindi ako makapagtapos. kinakailangan ko makahanap ng magandang trabaho para na rin sa aking kinabukasan at pati na rin sa aking pamilya at magiging pamilya.
kaya nga life verse ko ngayon ay eto eh:
"delight yourself to the Lord and He will give the desires of your heart" - psalms 37:4
muli. hindi ko ibinababa ang aking sarili. huwag nyo sanang isipin na sobrang kaawa-awa ako. alam ko naman na hindi ako papabayaan ni God eh.
God bless sa mga mahihirap dyan na nangangarap ding yumaman!
PUSH PUSH PUSH
P-ray U-ntil S-omething H-appens
God bless! - tag:family
- ugali:PUSH PUSH PUSH
 - kanta:unting unting mararating..
| |