Home
Mga Kalatas
messages
kamakailan lamang 
hay naku, tama ba naman drama modes tayo ngayon? tama ba naman na ang unang message na makita sa umaga eh kanya? oo na, nagtext kasi ako ng "hi, gcng k p b?" tapos ako yung biglang nakatulog. nagreply sya "yep." anu ba naman yun? (oh, well napagod kasi ako kahapon sa basketball dahil bukod sa isang 1-hr class lang meron ako buong araw eh naglaro ako kasama ni Garret, for me, no.1 sa math sa ateneo!)

so yun, nakita ko message nya, tapos bigla na naman ako nagdrama. isang jeep rin naman kasi ang layo ng katipunan sa diliman. ang isang maikling kalye na iyon ay wari ba sa akin ay isang malawak na karagatan sapagkat di ko magawang tawirin. kahit na wala naman masyadong ginagawa ngayon sa ME eh parang di ko pa rin magawang maglayag sa karagatan na iyon. hindi ko alam kung bakit.

takot lang ba ako na pagdating ko roon ay wala naman siya at hindi ko mahanap? takot lang ba ako na marinig sa mga tao ang mga pangungusap na ito; "wala sya eh, kasama nya si...", "ah, nakita ko sila, magkasama sa CASAA", "sorry pare, going strong sila eh". natatakot ba ako sa mga tingin ng tao na di pa rin nagbabago tulad ng dati? dati na laging ang tingin sa akin ay kontra-bida sa tuwing magkakagusto sa isang babae ngunit boto sila sa ibang may gusto rito? takot lang ba ako na suwayin na naman ang magiging payo ng aking mga kaibigan na kalimutan ko na sya?

baka naman iba ang kinakatakutan ko? siguro takot lang ako na makita sya na nag-iisa tapos sabihin nya na "sorry, mayroon akong hinihintay na iba". takot lang ba ako na sabihin nya sa akin na hindi ako ang kailangan nya sa mga sandaling iyon? takot lang ba ako na marinig mula sa kanyang bibig na darating na sa isang saglit ang taong iyon para sila ay maglakad-lakad? takot lang ba ako na tanggapin na kahit dumating na ako sa tabi niya ay parang ayaw niya akong pansinin?

baka naman mali ang aking kinakatakutan? baka dapat ako matakot na sa pagtapak ko sa diliman ay makita ko agad silang magkasama? baka takot ako na matunghayan ang mga ngiti sa kanilang mga labi sapagkat kapiling nila ang bawat isa. baka naman takot lang akong makita na pilit silang mag-iiba ng landas na tatahakin para lamang hindi ko sila makasalubong pilit? o takot lang ba ako na marinig sa kanilang bibig ang mga katagang ito "sige blace, una na kami..."

masakit di ba? oo. iniisip ko na lang kaya ako napunta sa katipunan at hindi sa diliman para maibsan ang sakit na aking dapat madama. oo, nabawasan nga, ngunit napalitan naman ng pangungulila...

1582960374
dear hbo
yo im susi
ps: find robert langdon
gradpic
This page was loaded Dec 20th 2009, 3:39 pm GMT.