Home
Mga Kalatas
messages
kamakailan lamang 
MAY PROBLEMA AKO. sana basahin nyo ito ng mabuti.

kaninang umaga nagbalik-tanaw ako sa mga nangyari sa buhay ko.

actually inisip ko yung naging buhay ko noong high school specifically sa friends.

oo naging loko-loko ako nung simula noong high school pero sa tulong ni God eh nagkaroon ako ng maraming kaibigan pa rin. marami kayo kaya di ko na iisa-isahin.

pero noong nanood ako ng Harry Potter 4, i remember yung last scene. yung nangako sila sa isa't-isa na magsusulatan during summer. ang galing kasi dahil buhay na si Voldemort eh alam nila na mag-iiba na ang buhay nila at kailangan nila ang tulong ng bawat isa or yung friendship nila.

so ano kinalaman nun sa buhay ko?

simple lang. wala akong ganung mga kabigan o maituturing best friends. naalala nyo ba yung nakaraan kong entry sa blog na pinag-iisipan ko ang word na "best friend". eto yun.

kung literal na "best" friend eh meron ako nun. kasi among my friends eh may best talaga. sya yung laging nakakusap ko sa tuwing may problema ako. sya yung laging naririyan kapag kailangan ko sya. sobrang saya ako kapag magkasama kami.

pero ibang "best friend" ang hanap ko eh. ito yung TWO-WAY relationship na bestfriend. yung tipong parehas kayo ng level ng need na makita or makausap ang isa't-isa. yung tipong parehas yung pagtreasure nyo sa isa't-isa. ang porblema kasi kapag ikaw lang ang tumuturing sa kanya na best friend eh may need ka na makasama sya at makausap sya pero hindi kasing laki sa need nya na makita ka. so parng ang labas nun eh demaanding ka sa relationship nyo as friends kasi you think na best friend mo sya pero di ka naman nya best friend.

katulad nga ng sabi ng isa kong kaibigan, di raw yan hinahanap, dumarating na lang daw yan bigla. GIFT ni GOD yang "best friend". pero hindi ko mapigilan mag-isip at maawa sa sarili. minsan iniisip kong medyo ABNORMAL ako kasi marami akong kaibigan pero wala akong "best friend/s".

nahihirapan talaga ako ngayon habang pinag-iisipan ang ganitong mga bagay. pero kahit na nahihirapan ako eh gusto ko pa ring magsabi ng "thank you" sa mga kaibigan kong naririyan palagi para sa akin, sa panahon ng kalokohan, kasiyahan, maski sa kalungkutan. mula noong angas pa ako hanggang sa naging corny na ako. love you all. yun nga lang eh pinapahirapan talaga ako ng pag-iisip ko sa mga bagay na ito.

please give me an advice...

ps.
nakakahiya itong pinag-iisip ko kasi para akong loser pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na pag-isipan ito eh.
gradpic
This page was loaded Dec 20th 2009, 3:36 pm GMT.