Home
Mga Kalatas
messages
kamakailan lamang 
9th-Dec-2005 08:00 am - blackout
nasa ateneo ako ngayon.

simulan ko yung mahabang update sa block out.

three days nang block out sa amin. mga 7 pm ata yun. lumabas ako ng bahay kasi naubusan ako ng net prepaid. iniwan kong bukas yung PC. noong pabalik na ako mga isang kalye pa ang layo may narinig akong pumutok. kinabahan ako. alam ko na ang pagputok ay nanggaling sa mataas na poste. pumutok daw ang dalawang kable ng kuryente sa mga kuntador (electric meter) sa taas ng poste.

eto yung badtrip. naiwang bukas yung PC so hindi nashutdown ng maayos so sabi ng kuya ko (pero parang di kapani-paniwala) na pdeng masira daw yung PC kasi yung kaibigan nya dati eh ganun din, namatay yung kuryente tapos 5 days umabot, pagbukas ng PC sira na raw. argh. wag naman sana. huhu,

pero hindi pa yun yung kinaiinis ko eh. hindi ako nakapanood for two days ng Encantadia at Jewel in the Palace. argh, yung Encantadia matatapos na mamayang gabi pero di ko na alam yung nangyari before dun. argh. yung Jewel in the Palace ano nangyari? please someone naman dyan na pdeng magkuwento. promise, maganda yung plot nya.

bakit ba kasi pumutok iyon?

noong pabalik na ako eh may nakita akong mama na nasa taas ng bubong at inaayos yung kawad. jumper! oo jumper! sa kagustuhang magkaroon ng ilaw sa kasalukuyang blackout eh nagawang magjumper. actuallly marami sa aming ganun ginagawa. dahil sa Tondo kami nakatira eh garapalan yung pagnanakaw ng kuryente doon. dahil sa maraming nakajumper eh hindi kinakaya ng transformer yung tindi ng kuryenteng kailangan so sumasabog sya at kami ang napipinsala. minsan naisip ko kawawa naman kami. kami yung nagbabayad palagi sa Meralco ng tama at wasto tapos kami yung mapeperwisyo dahil sa kasakiman at kasamaan ng ibang tao sa paligid namin? hindi naman ata tama yun. nakakainis kapag black out ah. tipong mapeperwisyo pati pagpasok namin. argh.

tapos yung sa Meralco call center eh panay scripted yung sinasabi. badtrip. tipong walang macommit na time kung kailan magagawa. naalala ko nung 4th year ako eh umabot ng isang buwan yung black out so kailangan ko magovernight ng madalas kina sir vlad, paul at wang.

haay... sana magkailaw na. at hindi lang literal na ilaw sapagkat sa kasalukuyan ay ako ngayon ay nagahahanap ng tanglaw sa aking buhay...
gradpic
This page was loaded Dec 20th 2009, 3:36 pm GMT.