Home
Mga Kalatas
messages
kamakailan lamang 
11th-Nov-2005 06:45 am - reg day and vocabs
grabeh. kung kailan gawa na uli ang hard disk ko eh saka naging matumal ang pag-update ko ah. bakit kaya? hehe

i got my grades na :D i got a QPI of 3.38. yehey. ayos na sa akin yan. nagmagic si doc mara sa grades para mabigyan ako ng B+ kasi im expecting for a B sa math 21. DL ang 3.375 pero im not. why? kasi dahil basic english ako, 12 units lang ang credited sa akin so bawal ako magDL. haha. sa Pisay never pa akong naging DL. pinakamalapit na ata kong grade ay 1.53 at mukhang dala ko ata yun sa college ah. NO WAY! kailangan next sem at least maDL ako kasi yari na ako kapag next years pa dahil mahirap na ME. oh well. nangarap naman ako minsan na maging CUMLAUDE so dapat galingan ko talaga ;)

ayos yung reg day sa Ateneo. tipong hintay ka lang ng random number mo (666 SOM ako). may ETA naman so di ka kailangan ng maagang-maaga pumunta sa waiting rooms. tapos pag kaharap mo na yung pc eh 30 mins i guess nasa cashier ka na kasama na paglakad dun ;)

grabeh. nung nasa pila na ako tinignan ko yung assesment form. yari! may Php 579.60 na babayaran as a deposit for breakage of laboratory equipments. naku, mukhang babalik ata ako sa sabado nyan ah... tsk tsk.. pero buti na lang ay nag-ACTS gettog sa Shakeys katipunan so sir vlad to teh rescue. haha :D thanks sir ;) haay, kakpagod yung araw na yon hindi dahil sa pila kung hindi napaisip ako masyado. :(

a. define love.
b. best friend? literally best among your friends o its a two-way relationship na dapat bestfriend ka ng tinuturing mong best friend.
c. dependent, independent at inter-dependent.
d. lack of affirmation or tipong may need ng quality time sa mga friends mo.


haay. oh well. meron pa ako hanggang sunday evening para pag-isipan yan kundi apektado acads mode ko. haha. :D
gradpic
14th-Oct-2005 08:00 am - GRADES O LEARNINGS ?
haay, umakyat ako ng room ng T1 (isang block ng ME) para kamustahin sila sa Math Final Exam nila. Actually, nandun ako para isauli yung calculator ni Reenee, akala ko kasi 11:30 pa test nya eh (parang si gero!haha) buti nalang pinayagan sya na gumamit ng graphing calculator kung hindi yari na naman ako nito, haha :D

nakita ko yung ibang natira sa kuwarto. bakas sa kanilang mga mukha ang kalungkutan. ilang tulo ng pawis ang lumagatak mula sa kanilang mga noo sapagkat katatapos lamang ng mabigat na test. napansin ko ang iba sa kanila. walang humpay sa kakapindot ng mga numero sa calculator. walang patid rin ang kanilang mga iling na pinakakawalan. ano ba? tapos na yung sem mga pre! tapos na yung exam! tapos na ang paghihirap nyo sa subject na yan! ang tanging magagawa nyo na lang ay maghintay kung anong grade ang ibibigay sa inyo ng inyong mga malupit na guro. yung isa humirit pa, "98/200 kailangan ko para maging B, possible kaya yun?" teka, 98/200 eh F na yun eh, biruin mo, kinakabahan ka eh fail yung kailangan mo para ma-B?

ganun ba talaga yun? BS ME. oo! Bachelor of Science in Management Engineering. Course na kung saan ay natututong tumangis, humagulgol, nadedevelop ang pagiging coffee addict!

mahirap! oo mahirap! nung una, ang mga tao ay papasok dyan para mayroon ipagmamayabang, "pare, nakapasok ako sa ME!". pero ang iba ay nabibigla na lamang.

sabi nila, maganda raw ang ME. sure trabaho. pero teka. may kaunting mali doon. oo, mas kukunin nga ng mga comapnies ang mga graduate ng ME compare sa mga Management. pero isipin mo to. what if ME ka tapos grade mo (4-highest,1 lowest) eh 2.0 tapos yung isang Management eh 3.5 dahil madali lang ang Management? sapalagay mo sino mas kukunin nila? di ba? ito yung mga bagay na laging sinasabi ni Tanchoco sa amin. mas gusto nya kami makita sa Management kaysa magstay sa ME at sobrang baba naman ng grades dahil pasa-pasa lang.

naisip ko tuloy. GRADES ang kailangan para makakuha ng trabaho. oo, ibabased nila sa transcript mo yung trabaho mo. pero hindi nyo ba naiisip na LEARNINGS ang kakailanganin mo para magtagal sa trabaho? oo, nakapasok ka pero what if nasubukan ng panahon at isang krisis sa trabaho ang iyong kakayahan? tatanggapin ba ng boss mo ang reason mo na "boss, nakalimutan ko na eh kung paano yan gawin". nasilaw lang sila sa iyong mga grades pero nagkamali sila dahil kinarir mo lang yung grades.

so hindi lang sa ME ang usapan na ito. maski sa kahit na anung course.

College Life. oo, college na tayo! may kakayahan na tayo pumili ng mga teachers. nasa sa atin kung ang kukunin natin ay easy A or flat 1.0 pero wala namang kuwentang guro! nasa sa atin ang kapangyarihan para pumili sa dalawang bagay. GRADES o LEARNINGS.

guys, parang ECONOMICS subject lang ni Sir Vlad di ba? may matututuhan pero pahirapan sa pagpasa!

random number ko sa ateneo ay 666SOM, out 700+yan sa School of Managemnet. may 4 na Loyola Schools sa Ateneo. anung klaseng PE at NatSci makukuha ko nyan? anung klaseng mga guro na ang magtuturo na sa akin?

sa mga mag-eenroll ng mga subjects, Godbless sa landas na inyong tatahakin.
gradpic
12th-Oct-2005 09:05 am - Nakatulala ako magdamag dahil dito
nagising ako kaninang umaga na ito ang pinag-iisipan, feel ko talaga babagsak ako sa math final exam;

eto yung number 7

f is a quadratic function
f(0) = 1
find f '(0) if
Integral of f(x)dx / x²(x+1)³ is a RATIONAL FUNCTION (eto pala yung key word)

solution

Integral of f(x)dx / x²(x+1)³ can be write as g(x) / x(x+1)² + C

Dx both side

f(x)dx / x²(x+1)³ = x(x+1)²(g'(x)) - g(x) [ (x+1)²+2x(x+1) ] dx / x²(x+1)^4

= (x+1) {x(x+1) g'(x) - g(x) [ (x+1)+2x] } dx / x²(x+1)³(x+1)

cancel (x+1)

= {x(x+1) g'(x) - g(x) [ (x+1)+2x] } dx / x²(x+1)³

= (x²+x) g'(x) - (3x+1) g(x) dx / x²(x+1)³

-> f(x) = (x²+x) g'(x) - (3x+1) g(x)

f(x) = x²g'(x)+ xg'(x) - 3xg'(x) - g (x)

since f(x) is quadratic
f(x) = ax²+bx+c
f(0) = 1 -> c=1
f(x) = ax²+bx+1
-> g'(x) must be a constant

g(x) = mx+n
g'(x) = m

f(x) = mx²+mx-3x(mx+n)-(mx+n)

= mx²+mx-3mx²-3nx-mx-n

= mx²-3mx²-3nx-n

=(-2m)x²+(-3n)x+(-n)

-> a=-2m b=-3n c=1=-n
--> b=-3(-1)=3

f(x) = ax²+bx+c
f'(x)= 2ax+b
= -4mx+3
f'(0) = 3

takte, 3 ang sagot, kakainis, itong problem na ito ang nagpahina ng loob ko todo during the exam.

pinuntahan ko si doc mara, ipinakita ko yung solution ko, tama raw yung 3, pero pwede raw yung integral by partial fraction, tapos sabi ko thank you sir

di ko na pinush na gawing bonus na lang yung 7 kasi mahirap, tanggap ko na na mababa yung makukuha ko sa test

pero sapat na sa akin na ipakita ko kay doc mara na "doc mara, eto yung solution ko, magdamag ko yan pinag-isipan, kahit na wala yan sa answer sheet ko eh sapat na sa akin na masagutan ko yan. at least ngayon di na ako mababagabag."

haay, kakalungkot, dahil sa number na yun nanghina loob ko sa pagsagot, magdamag ko pinag-isipan yung problem na yun,

pero ngayon, panatag na ako, kahit walang points yung solution ko eh nagawa ko naman.


Godbless!
gradpic
11th-Oct-2005 07:07 pm - Doc Mara...
anak ng pating naman. sobrang hirap ng test sa math. 4/7 pamigay pero putek, yung 3/7 parang nawalan ako ng gana sumagot. nakakaawa ako. paalam b+, hello c+!

eto pa yung masaklap. hindi man lang nagbigay ng panahon si doc mara para tapusin icheck yung last 2 long tests ko. so ibinatay lamang nya ang exemption sa first 4 long tests, eh dun ako mayroong 74/100. kainis. so nagfinals ako ng math. as in final! final hope ko sana para maging A kaso naging final happiness ko bigla sa math 21. kainis. sobrang kainis.

sana huwag anonymous naman ang ilagay mo kasi kilala na kita eh. pinagtanung-tanong mo blogsite ko noh?
gradpic
5th-Oct-2005 10:00 am - First Time
Nasa Ateneo ako ngayon. 7:30 am nagbubukas yung Rizal Library Extension kung saan mayroong libreng internet (actually hindi, kasi kasama ito sa mga binabayaran ng lahat sa tuition fee). 7:20 am nandito na ako para makuha ko palagi yung favorite computer ko, yung pc #40, hehe :D 12:30 pa first class ko, math 21 pero dahil sanay naman akong maaga sa school, ayos lang na nandito na agad ako. At saka, gagawa kasi ako ng blog, at eto yun! hehe :D

First time ko gumawa nito ah kaya kung mayroon diyan na mabait, tulungan nyo naman akong pagandahin ito :D

Grabeh, kakainis yung math 21. Target ko sana A kasi dun na nga lang ako magaling at basic english ako dito (oo na, bano na sa english) sa Ateneo. Kaso nung nilabas yung result ng Long Test 4, ang baba! 74/100. Actually biglang pinahirapan ni Doc Mara (Marasigan) yung Long Test namin. Kahapon yung 5th Lt at meron pa sa Friday, san ka pa? Daig pa ang more than 2 long tests a day sa Pisay.

Medyo masaya ako kasi almost tapos na yung Mandarin Class ko. Bakit Mandarin pinili ko as foreign language? Kasi para sa business Japanese at Chinese ang nangunguna kaso wala naman akong crush na Haponesa eh, haha :D Tapos na yung 10 minute-conversation kay Dy Laoshi (Teacher Dy) as Part I ng Finals at yung Parrt II ay dialouge with my tongxue (classmate).

Sched ko nga pala ng Finals:

Oct 10 || Mon || Eng 10 || 09:30-11:30
Oct 11 || Tue || Ma 21 || 11:30-01:30
Oct 13 || Thu || Fil 11 || 07:30-09:30

Para sa mga hindi nakakaalam, kaka-birthday ko lang noong Sept 26, yes! 16 na ako!

Zhuni Shengere Kuaile!

Sige, hanggang dito na lang muna. Zaijien (bye)!
gradpic
This page was loaded Dec 20th 2009, 3:36 pm GMT.