February 2004 objective: to have a prom date method: nag-act kasama si alvin na ang topic nung act namin ay JS Prom, then after nun, nilapitan ko yung girl then i asked her (person 1) to be my promdate. result: a big NO
February 2005 objetcive: to have a prom date method: after ko magreport tungkol sa isang tula, binigkas ko naman ang sarili kong gawa na tula sa harap ng klase. after that, i asked her (person 2) to be my prom date. result: a NO
February 14, 2007 objective: to tell my new friend na i want to have a good friendship with her and also to do something special sa Valentine's day. method: i asked my old Filipino teacher (na ayos kasi teacher ng girl (person 3) ngayon sa Fil 12) to recite a poem in front of their class, exactly at Valentine's Day telling that it was dedicated to her by his old student. result: a smile and di ko pa alam ang next...
eto yung poem:
I Love You ni Teo T. Antonio
Madaling bigkasin ang katagang "Mahal kita," sa iba'y magaan na magaang mambola. May ibang tunay ang pagsasabi, seryosong-seryoso't hindi mapakali. May nagbibiro't nagpapasaring ng salitang "Mahal" na mataginting. Kung tumalab o hindi sa babae parang ito'y ala-tsambang diskarte. Pero kung bakit napakahirap katagang "Iniibig kita," pag binigkas. Pag nagsasalita'y parang nabubulunan may bikig sa dibdib na di maunawaan. Pag sinabing matapat sa sinta, tila mabigat na sumpa at panata. Hindi masabi nang madulas, natutuyo ang lalamunan pag binigkas. Pero sabihing "Gusto kita," magaan na magaan na bigkasing salita kahit biro lamang. Kahit sa kaibigan "Mahal" na tatawagin madaling-madali walang malisya't dating. Mas madaling sabihing "I Love You," o "sweetheart" at ngayo'y usong-uso. Kaya kung bibigkasi'y "Iniibig kita," di magawang biro kahit sa kabarkada. Marahil wala na, ang lantay na pintig kahit sa ating wikang ginagamit. Nabihasa sa salita't panlasang banyaga, nanatiling kolonyal ang ating diwa't dila.
then i texted her ng ganito:
Kaibigan, gaya ng nabanggit sa tula, lubhang napakaaga pa upang gamitin ko ang mga katagang "I Love You". Sa ngayon, ang hiling ko lamang sa Poong Maykapal ay "Sana mas maging mabuti pa tayong magkaibigan." Maligayang Araw ng mga Puso, ******!
reply: Thanks.U
special thanks to my old teacher! | |