Caleb ([info]blace05) wrote,
@ 2008-07-20 06:54:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
2 awkward moments
may dalawang klase ng awkward moments ako madalas maranasan.

una ay yung makakasalubong mo yung naging classmate mo just for one sem lang at mapapaisip ka kung babatiin mo o hindi. i mean, paano kasi nagbabatian kayo nung sem na magkaklase kayo then suddenly nung hindi na, parang alangan na talaga. yan ang problema sa kolehiyo eh. masyadong mabilis ang mga pangyayari. minsan one sem mo lang kasama yung tao, minsan 1 taon pero hindi sapat para mapanatili ang status nyo na "hi-hello-with nakangiting mukha pa"!

ikalawa eh yung napapaisip ako kung kakausapin ko ba yung isang tao dahil na rin sa nagawan ko sya ng kasalanan. nakakainis kasi mapapansin mong iiwas rin sya ng mata. siguro sasabihin mo kalimutan ko na pero kasi nakokonsensya talaga ako eh. siguro hintayin ko na lang yung tamang panahon na patawarin nya ako. haay.

cool. namiss ko ang lj.



Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…